Bakit Ikaw pa? Di ko nais na makita pang muli Lumisan ako at nilimot kang pilit Labis at tangi ang pag-ibig ko sa’yo At muling ito ay na buo Walang sandali na hindi ka inisip Kahit nasa araw ikaw ang panaginip Bakit ikaw pa ang aking minamahal Gayong ito ay pinag-bawal Puso at kaluluwa, sa’yo ay aking iaalay At bawat tibok ay ikaw lamang Ang tanging dahilan Kung sakali ikaw at ako ay pumanaw Doon sa ulap tayo ay matatanaw Labis ang tuwa at puno ng ligaya Sa pagkat tayo na’y iisa [Repeat 3rd paragraph] Doon sa ulap tayo ay matatanaw Labis ang tuwa at puno ng ligaya sa pagka’t tayo na’y iisa [Repeat last paragraph 2x]